Minsan…
Sobrang nakalalasing ng kalungkutan..
Isang emosyon na tila kaya kang kainin ng buo..
Dahil buhay mo’y unti-unting nalulugmo..
Naisin mo mang bumagon
Naisin mo mang umahon..
Tila isang malalim at mapayapang balon..
Ang siyang yumakap at kumalong
Isang tahimik na sisidlan ng mga luha
Bawat patak ay naglalaman ng mga sariling hinuha
Puno ng mga imahinasyon at pagsisisi
Sa mga nakalipas na pagkakataon at sandali..
Ngunit sa katahimikan nariyan ang kapayapaan
Maaaring malungkot, mahirap mag-isa
Ngunit ang kapayapaan dulot nito ay hindi maikukumpara
Hayaan mo na muna ang aking pananatili… sa kanlungan ng kalungkutan..